40-Anyos na Ina ng Isang Binata Pinagkakamalang GF Nito Dahil sa Angkin na Kagandahan

Ano nga ba ang sikreto niya at tila hindi siya tumatanda?

Sa edad na 40, ang ina ng 22-anyos na si Jonathan Nguyen ay may taglay na ganda at katawan ng 20-anyos na dalaga. Dahil dito, hindi na kataka-takang pinhagkakamalan ang ina nito bilang kanyang kasintahan! Sa mga litrato ni Jonathan sa mga social media accounts nito, makikita kung gaano ka-proud ang binata sa kanyang ina. “Meet my mom and my bestfriend,” ika nito sa isang post.

Photo @Jonathan Nguyen

Maraming tagasubaybay ang binata lalo at masasabing may itsura at “fashionista” rin si Jonathan. Laking gulat na lamang ng maraming netizens nang makita ang ina nito, na mala-Diyosa naman ang datingan. Ayon sa mga netizen, kung hindi pa nabanggit ni Jonathan na ina niya ito, inakala ng marami na girlfriend niya nga ito. Ang tanong ng mga nakararami ngayon ay: Paano kaya napapanatiling maganda at sexy ng 40-anyos na ina ni Jonathan ang ganda at katawan nito?

Photo @Jonathan Nguyen

Ayon sa ina ni Jonathan, wastong pagkain at tamang pag-ehersisyo lamang daw ang sikreto niya para mapanatili ang ganoong katawan at mukha. Mahahalata sa ina na sobra ang disiplina nito sa sarili, lalo at habang tumatanda, lalo pa itong gumaganda! Bagama’t may mga netizens na hindi naniniwala sa edad nito, tiwala ang ina sa sarili niya dahil alam niya sa sarili niyang wala daw siyang pinaayos at pandadaraya sa kaniyang itsura.

Photo @Jonathan Nguyen

Maraming lalaking netizen ang napa-“sana all” na lang sa gandang babae ng ina ni Jonathan. Ang mga babae naman ay nabilib sa kaniya, at nanghihingi pa ng payo para gumanda rin tulad niya. Ang mag-ina ay makikitang magkasama rin sa mga social calls tulad ng pag-inom kasama ang mga kaibigan ni Jonathan. Ano ang masasabi ninyo sa mag-inang ito?

Photo @Jonathan Nguyen