Empleyado ng Isang Delivery Service na Huli sa Aktong Dinidikit ang Labi sa Parcel Nagsalita na

Simula nang tumama ang pandemyang CÓViD-I9 o mas kilala bilang CÓrÓnavirus sa buong mundo, mas maraming tao ang pinipiling manatali sa loob na lamang ng bahay at magpa-deliver ng pagkain at iba pang mga bagay na kailangan sa bahay. Pero ang hindi alam ng nakararami, kasing delikado rin ng pagbili sa labas ang pagtanggap ng mga ‘delivery parcels and packages’ dahil dumadaan din ito sa maraming tao.

Isang netizen ang nagulat nang makita ang ilang mga empleyado ng isang delivery service na tila dinidikit ang labi nito sa package habang inaantay ang kukuha. Ayon sa naglagay ng mga litrato sa Facebook, kuha ito sa CCTV at walang alam ang mga empleyado na sila ay nakikita sa cam.

Maraming netizen ang nagalit, lalo at marami sa kanila ang bumibili ng mga gamit online. Inuudyok ang mga tao na mag sanitize at protektahan ang sarili pag nagpapadala at tumatanggap ng mga padala, lalo at hindi nila alam kung ilan at sinu-sino ang humawak nito. Ano nga ba ang ginagawa ng empleyado?

Nang makita ng empleyado ang kaniyang mukha sa social media ay agad itong sumagot. Ayon sa kanya, halos 20-30 minuto siyang nag aantay at hindi na namalayan lumilipas ang oras. Maraming netizen ang nagtanggol sa nasabing empleyado at sinasabing maaaring nawala na sa isip niya ang kanyang ginagawa sa tagal niyang naghihintay sa init.