‘Luxury OOTD’ ni Anne Curtis Kinaaliwan ng mga Netizens Nang May Makita Silang Kakaiba Dito

Maraming celebrities ang sinusubaybayan ng mga netizens sa mga iba’t-ibang social media platforms tulad ng Facebook at Instagram. Madalas ay inaabangan ng mga ito ang mga post at mga litrato ng mga celebrities, kung saan nagbibigay sila ng mga komento at reaksyon sa mga ito. Meron mga bashers, mga supporters, at minsan ay meron namang mga napapadaan lamang.

Photo Anne Curtis

Sa dami ng mga tagasubaybay, hindi maiiwasang mapuna ang mga bagay tulad ng mga “wardrobe malfunctions”, at mga post na tila hindi naayon sa nakararami. Isa sa mga naging viral ngayon ay ang litrato na pinost ni Anne Curtis sa Instagram na may katagang “OOTD”. Pinakita ni Anne ang kanyang luxury ‘OOTD’ na kung saan suot niya ang sikat na French brand na Louis Vuitton. “Game Face On,” ika ng artista sa kanyang Instagram, at dinagdagan pa ng #GameOn at #LVCruise.

Photo Anne Curtis

Habang ang mga fans ay bilib sa brand ng damit ni anne, maraming nakapuna na tila may katulad ang design ng nasabing damit. Ayon sa maraming netizens, ang design at kulay ng damit ay tila tulad sa crew uniform ng Jollibee. Kung mapapansin ay halos magkatulad nga naman ang mga damit, pati ang kulay ay tila pareho din sa nasabing uniporme.

Maraming netizens ang naaliw sa mga comments at reaksyon ng mga tao. “Looks like an upgrade uniform for Jollibee service crew. Lol,” ika ng isang netizen.

“OMG the colors look like Jollibee crew uniforms, it’s so cute,” dagdag pa ng isa.

Isang netizen naman ang pabirong nagsabi: “Hi Ms. Anne! Order po gn c3 and c1 char hahahahaha.”